Radioactive Sago Project - Ang Bansa ng Pambansa lyrics

[Radioactive Sago Project - Ang Bansa ng Pambansa lyrics]

Ang bansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa

May Pambansang Sagisag itong mahal kong bayan
May Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal
May Pambansang Awit din itong Lupang Hinirang
Na pati ang pagkanta'y pagmumulan ng away
Para itong Pambansang Alagad nitong sining
Na ginawang aliwan sa halip na aralin
Kung bakit ang Pambansang
Sayaw itong tinikling
O sipa ang Pambansang Laro’t Laruan natin?
Samantalang sa suntok tayong lahat sumikat
Sa bawat pagwagayway ng Pambansang Watawat
Kaya Pambansang Araw ay dapat na ilipat
Sa laban ng Pambansang Kamao itatapat

Ang bansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa

Kahit ang kahayupan ay ating dinakila
Isa nga itong bangus na Pambansa na Isda
Ngunit higit sa lahat ang pinaka-Pambansang
Hayop ay ang kalabaw na may Pambansang Wika
Kung agila nga itong ating Pambansang Ibon
Bakit ito pa ay galing sa salitang Espanyol?
Ginawa pang pundasyon ang kinathang "Haribon"
Gayong may katutubong pangalan na si Banoy
Mayroon ding Pambansang Puno tayo sa nara
Mayroon ding Pambansang Prutas tayo sa mangga
May Pambansang Bulaklak tayo sa sampaguita
May Pambansang Damo ba na 'di marijuana?

Ang bansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa
Ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa

(Palay, bigas, kanin)
Palay, bigas, kanin lang ang dapat na igiit
Palay, bigas, kanin lang
(Palay, bigas, kanin)
Na Pambansang Halaman sa panahon ng krisis
Palay, bigas, kanin (Palay, bigas, kanin)
Palay, bigas
Kanin lang at hindi lechong biik
Palay, bigas, kanin lang
(Palay, bigas, kanin) ang Pagkaing Pambansa
Kung 'di man Pandaigdig
(Palay, bigas, kanin) pambansang Kanin
Palay, bigas, kanin lang ang dapat na igiit
(Palay, bigas, kanin)
Na Pambansang Halaman sa panahon ng krisis
Palay, bigas, kanin lang
(Palay, bigas, kanin) palay, bigas
Kanin lang at hindi lechong biik
Palay, bigas, kanin lang
(Palay, bigas, kanin) ang Pagkaing Pambansa
Kung 'di man Pandaigdig

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret