Radioactive Sago Project - Kape lyrics

[Radioactive Sago Project - Kape lyrics]

Ito, hindi mo ‘to alam pero noong araw
Ipinagbabawal
Ng mga hari magkape sabi ng hari
"Pupugutan ko ng ulo ang lahat ng mahuli
Kong humihigop ng kape, para naman
Paboritong inumin ito ng mga pilosopo, ng mga
Magikero, ng mga makata" Akala ng hari
Tumatalino sila dahil sa kape pero hindi
Ko alam, hindi ko alam eh
Basta alam ko masarap magkape

Ito, hindi mo rin ‘to alam pero noong araw
Pinagbabawal din ang alak marami nang
Nakulong dahil sa pag-inom ng
Alak marami nang nagbebenta sila ng
Alak marami nang nagpapatayan
Dahil sa alak pero tingnan mo naman ngayon
Ang mundo nalulunod sa alak marami nang
Buhay nasira sa alak, pero sa kape wala
Pang nasira pero hindi ko alam
Basta alam ko masarap magkape

Ang sarap talaga magkape, pare ko
Habang sinusulat ko ‘to
Uminom na ako ng sampung tasang
Kape hindi ko alam hindi sa Starbucks dahil
Wala akong pera, dito lang sa bahay
Kapeng barako lang kaya ng bulsa ko
Sampung baso ang sarap talaga
Nalulunod na ang ulo
Ko ngayon malawak ang pananaw ko sa buhay
Ngayon, hindi na ako natatakot mamatay
Ang sarap magkape

Ngayon, puro kape na ang laman ng ugat
Ko ang tali talino ko na
Pwede na ako mag-champion sa Game
Ka Na Ba? Ang tali talino ko, ang lakas lakas
Ko mamaya, magsuntukan tayo mamaya
Magsuntukan tayo ngayon
Wala nang pagkain sa mesa wala nang
Kape sa mesa ubos na rin
Ang sigarilyo hindi na ako makahinga ubos
Na ang sigarilyo hindi ako
Makahinga magsuntukan na tayo ubos na ang
Sigarilyo hindi ako makahinga hindi ako
Makahinga ubos na ang sigarilyo magsuntukan
Na tayo hindi ako makahinga

Masarap magkape ang sarap-sarap
Ang sarap-sarap talaga magkape
Ang sarap mag-kape
Ang sarap mag-kape ang sarap
Mag-kape sarap-sarap ang sarap-sarap
Mag-kape tatlong laga na instant coffee
(Ang sarap mag-kape) Hindi ako makahinga
Magsuntukan na tayo hindi
Ako makahinga, magsuntukan na tayo
Mamaya, magsuntukan tayo mamaya
Magsuntukan tayo
Mamaya, magsuntukan tayo hindi ako makahinga
Mamaya magsuntukan na tayo
Magsuntukan na tayo, hindi ako
Makahinga magsuntukan na tayo
Fade out na ‘to fade out na ‘to

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret