Radioactive Sago Project - For Adults Only lyrics

[Radioactive Sago Project - For Adults Only lyrics]

"Lahat ng hindi ko kailangang malaman
Natutunan ko sa pelikulang For Adults Only"
Isang tula ni Jose F lacaba

Marumi and pulitiko, pero malinis ang budhi
Ng puta
Ipokrito ang pari, pero may ginintuang puso
Ang puta nagpapaaral ng kapatid na magpapari
Ang puta namumutiktik sa putang ina at anak
Ng puta ang malaswang bibig ng puta
Nalululong sa droga ang anak ng puta
Ayaw ng putang ina na ang
Anak niyang babae’y masadlak sa pagpuputa
Ang unang tikim sa luto
Ng Diyos ay ipinapatikim ng puta
Bukas ang simbahan kahit
Madaling-araw tuwing magdadasal ang puta
Nagbubulungan ang mga manang
Na nakakasalubong ng puta
Ginahasa ng tiyuhin ang puta kaya siya
Nagputa tulak ng kahirapan kung kaya nagputa
Ang puta hindi nagpapahalik sa labi
Ang puta kapwa puta ang mga kabarkada
Ng puta magandang lalaki ang nag-aalay ng
Tapat na pag-ibig sa puta
Masungit na ina ng magandang lalaki
Ang nag-aalok ng pera para lumayo
Ang puta kung binabaril ang bidang lalaki
Yumayakap at tinatamaan ang puta
Tanging kamatayan ang tutubos at
Magpapatawad sa kaputahan ng puta
Sigaw ng puta: Pare pareho naman tayong
Puta!

Puta

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret