Razorback - Payaso lyrics
[Razorback - Payaso lyrics]
Ano nanaman 'tong deliryo?
Dapat bang matuwa? O dapat bang malumbay?
Sige lang nang sige
Hangga't mapanis ang ngiti
Tuloy ligaya, sige mangiliti handa ka na ba
Para tanggapin ako tatawanan n'yo ba
Ang isang payaso
Hindi naman maangas hindi rin totoo
Kapag may maskara ang tao
Marami siyang matatago
Trabaho niya'y tumawa pero gusto ring umiyak
Sa gusto niya't hindi sila'y magagalak
Handa ka na ba para tanggapin ako
Tatawanan n'yo ba ang isang tulad ko
Hindi na baguhan sa pagkukunwari
Manhid na siya sa lason lason ng ngiti
Eskapo niya 'to sa hirap
At sa sakit ng mundo reyalidad niyang ito
Binibigay sa iyo ikaw at ako
May mga maskara din tayo
Kamandag ng katotohanan
Ang siyang lalaya sa isipan