The Juans - Liwanag lyrics

[The Juans - Liwanag lyrics]

Naliligaw, nalilito
Hindi malaman ang pupuntahan
Ang daming gustong subukan
Ngunit ang loob ay pinanghihinaan

Sabi mo, dahan-dahan lang at 'wag magmadali
Oh, 'wag matakot na magkamali

Hinahanap ang liwanag ng buwan
'Di ka lumisan lagi ka lang nand'yan
Hinawakan mo at 'di binitawan
'Di ka nagbabago, hanggang sa dulo

O kay bigat ng nararamdaman
Mga tanong na nasa isipan
Hindi malaman kung ano ang dahilan
Makikita pa ba ang kasagutan

Sabi mo, dahan-dahan lang at 'wag magmadali
Oh, minahal mo kahit na nagkamali

Hinahanap ang liwanag ng buwan
'Di ka lumisan lagi ka lang nand'yan
Hinawakan mo at 'di binitawan
'Di ka nagbabago, hanggang sa dulo

Hinahanap ang liwanag ng buwan
'Di ka lumisan lagi ka lang nand'yan
Hinawakan mo at 'di binitawan
'Di ka nagbabago, hanggang sa dulo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret