TJ Monterde - Palagi (Wedding Version) lyrics

Titus John Monterde

[TJ Monterde - Palagi Wedding Version lyrics]

Hindi man araw-araw na nakangiti
Ilang beses na rin tayong humihindi
'Di na mabilang ang ating mga tampuhan
Away-bati natin, 'di na namamalayan
Heto tayo

Ngunit sa huli palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli palagi
Pipiliin kong maging sa'yo

Ulit-ulitin man, nais kong malaman mong
Iyo ako palagi

Kung balikan man ang hirap, luha't lahat
Ikaw ang paborito kong desisyon at
'Pag napaligiran ng ingay at ng gulo
'Di ko pagpapalit ngiti mo sa mundo
Heto tayo

Sa huli palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli palagi
Pipiliin kong maging sa'yo

Ulit-ulitin man, nais kong malaman mong
Iyo ako

Sa pagdating ng ating pilak at ginto
Dyamante ma'y abutin
Ikaw pa rin aking bituin
Natatangi kong dalangin 'gang sa huling siglo

Sa huli palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli palagi
Pipiliin kong maging sa'yo

Ulit-ulitin man, nais kong malaman
Iyo ako palagi

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret