TJ Monterde - Tulad Mo lyrics

Titus John Monterde

[TJ Monterde - Tulad Mo lyrics]

Ano ang iyong pangalan? Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba? Sana nama'y wala
'Di mo 'ko masisisi, sumusulyap palagi
Sa'yong mga matang, oh, kay ganda, oh, binibini

Oh, ang isang katulad mo
Ay 'di na dapat pang pakawalan
Alam mo bang 'pag naging tayo?
Hinding-hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka't 'di papabayaan
'Pagkat ikaw sa'kin ay prinsesa

Oh, magandang diwata, sana'y may pag-asa
Pag-ibig ko'y aking sinulat at ikaw ang pamagat
Sana naman ay mapansin, himig nitong damdamin
Na walang iba pang hinihiling, kung 'di ikaw ay maging akin

Oh, ang isang katulad mo
Ay 'di na dapat pang pakawalan
Alam mo bang 'pag naging tayo?
Hinding-hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka't 'di papabayaan
'Pagkat ikaw sa'kin ay prinsesa

'Di ako naglalaro, 'di ako nagbibiro
Pagbigyan mo lang, sinta
Nang sa'yo'y mapakita

Na ang isang katulad mo
Ay 'di na dapat pang pakawalan
Pangako kong 'pag naging tayo
Araw-araw kitang liligawan

Oh, ang isang katulad mo (Sa isang katulad mo)
Ay 'di na dapat pang pakawalan
Alam mo bang 'pag naging tayo? (Tayo, woah, woah)
Hinding-hindi na kita bibitawan (Hindi na)
Aalagaan ka't 'di papabayaan (Aalagaan, ooh)
'Pagkat ikaw sa'kin ay prinsesa (Prinsesa)

Prinsesa (Prinsesa)
Prinsesa (Prinsesa)
Prinsesa (Prinsesa)
Tulad mo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret