ALLMO$T - Akin Ka lyrics
[ALLMO$T - Akin Ka lyrics]
At palagi kong tinatago
Ang tunay na, nararamdaman 'Di ka umalis at
'Di ka nagsabing sawa ka na at ayaw mo na
Ang saya-saya mo kapag niyayakap kita
At ang pangitiin ka 'di mahirap sinta
Lagi mong ipinapaalala sa akin
Madalas man akong mang-away
Ay mahal mo pa rin
At kahit na hindi man masabing
Kailangan ang alaga mo akin ka, akin ka
'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang
Sandalan mo aking balikat
'Pag nararamdaman mo na parang ang hirap
Maintindihan nitong kalagayan
Ang kasiyaha'y ikaw sa araw natin at gabi
Ang langit ang naging saksi
Sa oras ng mga ngiti ay 'di na maikukubli
'Di man laging mapakita
Sa 'yong kulang ako 'pag wala ka, oh
At kahit na hindi man masabing
Kailangan ang alaga mo akin ka, akin ka
'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang
'Wag ka munang bibitaw
Dahil sinusulit ko ating sayaw
Sabay tayong gumagalaw
At mata mo'y natatanaw
Ang puso ko'y sumisigaw
Dati ay palagi nang giniginaw
Dahil sa 'yo, kaya gan'to
Yung mundo ko tanging ikaw
Kakayanin ko pa ba
Kung sakaling ako ay mag-iisa
Dahil 'di ko kakayaning mawala
Ang isang katulad mo aking sinta
Dahil sa pagmamahal mo 'Di magbabago
Asahan mo ako kapag kailangan mo
At kahit na hindi man masabing
Kailangan ang alaga mo akin ka, akin ka
'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang
Pag-ibig mo na sa 'kin naipadama
Naririto para bigyan ng halaga
Kahit na minsan may pagkalito
Maging mahirap man asahan mo
Na 'di mawawala sa 'yo 'Pagkat nandyan ako
Makakasama mo mga tampo nawawala
Gumagaan, nadadala pagkasilay sa iyong ngiti
Na kailanma'y walang makahigit
'Di hahayaang mawala ka
Kasi handa pang masamahan
Hanggang sa bukas natin na sabay haharapin
At kahit na hindi man masabing
Kailangan ang alaga mo akin ka, akin ka
'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang