ALLMO$T - Nasayo lyrics

[ALLMO$T - Nasayo lyrics]

Hmm doo doo doo doo doo doo duh rah
Duh rah doo doo doo ahh

Ano bang meron ka tulala na 'ko dito
Halos ilang oras na rin ngang nakangiti 'to
Sa lahat ng teka ang pinakapaborito
Walang ibang sagot kundi nag-iisa ka bhie ko
Ang ating call sign "Love, Mahal, Asawa ko"
Yung kilig sa tuwing naririnig kong
'yan ang tawag mo
Habang palapit na, nang palapit
Yakap mo ang nais ko na, napakahigpit
(yeah, yeah aye)
Maglalakas-loob magpunta sa inyong bahay
Para makilala din ako ng iyong nanay
Kung 'di masabayan yung tagayan
Ng 'yong tatay
Ay meron pa namang dahilan sa ibang bagay
Tulad ng mamahalin ka
'Di lang salita walang pangako, gagawin na
Wala 'tong dahilan, magsayang at ibahin pa


Yung pangarap ko na mailakad

Sa gitna ng daan tayo lamang dalawa
Umaraw man o umulan tandaan mo
Kapag kasama ka 'Di na kailangan ng iba
Mananatiling nasa 'yo mananatili lang ako
Mananatiling nasa 'yo mananatili lang ako
Sa daan tayo lamang dalawa
Tayo lamang dalawa tandaan
Tayo lamang dalawa tayo lamang dalawa, yeah

Oh ganda ng gising ko
Ikaw palagi ang unang nakakausap ko
Sabay sa kahit na ano mong gawin
Ako ay nagpapasalamat na ikaw ay dumating
Paano na lang kung hindi ka nakilala
Baka 'di ko magawang tumawa
At baka hanggang ngayon
'Di pa rin ako handa na tumaya
Ngunit lahat 'yan nabura
Nung nalaman kong merong ikaw ooh, woah
Ipaglalaban nang higit pa sa dulo
Ikaw ang lagi na gusto kong ka-duo
Kahit sa anong bagay
Pag 'di na kayang tumagay ay tutulungan kita
'Wag mo lang maramdaman na 'di ka mahalaga
Lagi lagi kong ipapaalala sa 'yo, sa 'yo

Sa gitna ng daan tayo lamang dalawa
Umaraw man o umulan tandaan mo
Kapag kasama ka 'Di na kailangan ng iba
Mananatiling nasa 'yo mananatili lang ako
Mananatiling nasa 'yo mananatili lang ako
Sa daan tayo lamang dalawa
Tayo lamang dalawa tandaan
Tayo lamang dalawa tayo lamang dalawa, yeah

(Russell) sarap mo lang mahalin
Gagawin ko 'yan ng araw-araw, walang sawa
Hindi rin mapapagod na magpaalala
At magsabing mas maganda ka pa sa umaga
Wala ka kasing katumbas sa mundo
Sa lahat ng gawin laging magkasundo
Natupad ang hiling
Dumating ka't nagawang sagipin
Mabuti na lang mahal nandyan ka
Malinaw nga na kakaiba ka't 'Di mapapalitan
Sa puso ko ikaw ang gantimpala
Hindi ko 'yan 'pagkakaila
Sapagka't mahal kita
Salamat nagawa mong magtiwala
Patuloy kong ipaglalaban 'to (paglalaban 'to)
'Yan ang laging panghawakan mo
Wala 'kong plano kundi ang pakasalan ka
At masamahan habang nilalakad ka

Sa gitna ng daan tayo lamang dalawa
Umaraw man o umulan tandaan mo
Kapag kasama ka 'Di na kailangan ng iba
Mananatiling nasa 'yo mananatili lang ako
Mananatiling nasa 'yo mananatili lang ako
Sa daan tayo lamang dalawa
Tayo lamang dalawa tandaan
Tayo lamang dalawa tayo lamang dalawa, yeah

Minsan ay tinatanong ko sa aking sarili
Kung pa'no magsimula ng araw
Nang 'di ka kapiling
Malamang sa 'kin imposible 'Di ko rin maisip
Kung sakaling mangyari ikaw ang pipiliin
Sa tuwing nakakasama ka
Bukang-bibig ko sa 'yo na lagi kang iingatan
At wala ring mangyayari na
Kahit ano na masama
Handa kang alalayan kaya 'wag ka na mag-alala
Kasi nandito lang ako lagi 'pag kailangan mo
Umaraw man o bumagyo ako ay aasahan mo
'Di kita pababayaan kahit ako'y mahirapan
Lagi kang aalagaan handa kitang samahan

Sa gitna ng daan tayo lamang dalawa
Umaraw man o umulan tandaan mo
Kapag kasama ka 'Di na kailangan ng iba
Mananatiling nasa 'yo mananatili lang ako
Mananatiling nasa 'yo mananatili lang ako
Sa daan tayo lamang dalawa
Tayo lamang dalawa tandaan
Tayo lamang dalawa tayo lamang dalawa, yeah

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret