Asin - Ang Bayan Kong Sinilangan lyrics

[Asin - Ang Bayan Kong Sinilangan lyrics]

Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo
Dahil 'di magkasundo sa
Relihiyon at prinsipyo nagkagulo
Ang bayan ko sa Cotabato
Kasing gulo ng isip ko
'Di alam saan nanggaling
'di alam saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban
'di ko alam ang dahilan ng gulo
Bakit nagkagano'n, ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nag-away, bakit kayo nagkagulo
Prinsipyo mo'y igagalang ko kung
Ako'y iyong nirespeto kung nagtulungan kayo
'di sana magulo ang bayan ko

Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo
Ng kapwa tao


Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo ang gulo
Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan
Kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban
Magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo
Kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko
Kung ako'y may maitutulong
Tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay
Kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso
Puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong 'sang kaibigan
Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo

Sa bayan kong sinilangan
(bakit may gulo) sa timog
Cotabato (sa timog Cotabato) ako ay namulat
(kailan matatapos) sa napakalaking
Gulo (ang gulo) dahil walang respeto
(kailan magkakasundo) sa prinsipyo ng
Kapwa tao (ang tao) kapwa Pilipino
(kapwa Pilipino) ay kinakalaban mo
(bakit kinalaban mo) ang gulo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret