Asin - Balita lyrics

[Asin - Balita lyrics]

Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala dalang balita
Galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento at
Ang mga pangyayaring nagaganap
Sa lupang ipinangako

Ang lupang pinanggalingan ko'y may
Bahid ng dugo may mga lorong 'di makalipad
Nasa hawlang ginto
May mga puno walang dahon
Mga pusong di makakibo
Sa mga pangyayaring nagaganap
Sa lupang ipinangako

Mula ng makita ko ang lupang ito
Nakita ko rin ang munting apoy sa puso ng tao
Ginatungan ng mga kabulukan
Hanggang sa lumago
Ngayon ang puso'y may takot
Sa lupang pinangako

Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala dalang balita
Galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento at
Ang mga pangyayaring nagaganap
Sa lupang ipinangako

Dati rati ang mga bukid ay kulay ginto
Dati rati'y ang mga tao sinlaya ng ibon
Dati rati ay katahimikan
Ang musikang nagpapatulog sa mga batang
Walang muwang sa mundo

Ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
Patakan niyo ng luha ang apoy sa kanyang puso
Dinggin niyo ang mga sigaw ng mga puso
Ng taong una n'yong dadamhing
Kabilang sa inyo

Duol mga kaigsuunan ug paminaw kamo
Duna koy dala nga mga balita
Gikan sa banwa ko
Gusto nga ipahibalo ang mga
Istorya nga nagagahitabo sa banwagisa na to

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret