Asin - Gising Na Kaibigan lyrics

[Asin - Gising Na Kaibigan lyrics]

Nakita mo na ba ang mga
Bagay na dapat mong makita
Nagawa mo na ba ang mga
Bagay na dapat mong ginawa
Kalagan na ang tali sa paa
Imulat na ang 'yong mga mata
Kay sarap ng buhay lalo na't
Alam mo kung saan papunta

May mga taong bulag kahit dilat ang mata
May mga taong tinatalian sariling
Kamay at paa problema'y tinatalikdan
Salamin sa mata'y hindi makita

Kay sarap ng umaga lalo
Na't kung ika'y gising
Tanghali'y maligaya kung ika'y may makakain
Ang gabi ay mapayapa
Kung mahal sa buhay ay kapiling
Kay sarap ng buhay lalo na't
Alam mo kung saan papunta



Gising na kaibigan ko
Ganda ng buhay ay nasa sa 'yo
Ang oras daw ay ginto
Kinakalawang lang 'pag ginamit mo

Kailan ka pa magbabago kailan ka pa matututo
Ang lahat ng ilog sa dagat patungo
Buksan ang isipan at mararating mo
Kay ganda ng buhay sa mundo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret