Basil Valdez - Nais Ko lyrics

[Basil Valdez - Nais Ko lyrics]

Nais kong maihip
Ng hanging walang patutung'han
Parang ibong wala ring hangarin
Kung 'di ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad

Nais ko ring maagos ng alon
Saan man mapadpad kahit na isdang mumuntiin
Hangari'y lumangoy nang lumangoy
Nais kong lumangoy

Nais kong malibot ang mundo
Sa kanyang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid
Kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin
Kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay
Wala nang hangarin pang tunay
Nais ko, nais ko

Nais kong maulit ang buhay
Kung may pagkakataon
Upang mamalas ang mga bagay bagay
Na 'di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa
Ulit-ulitin pa ang buhay ko

(Nais kong maihip
Ng hanging walang patutung'han
Parang ibong wala ring hangarin
Kung 'di ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad)

Nais kong malibot ang mundo
Sa kan'yang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid
Kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin
Kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay
Wala nang hangarin pang tunay
Nais ko, nais ko

Nais kong maulit ang buhay
Kung may pagkakataon
Upang mamalas ang mga bagay bagay
Na 'di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa
Ulit-ulitin pa ang buhay ko

Nais kong mabuhay muli
(Nais ko) Nais kong maulit muli
Ulitin muli, ulitin muli, paulit-ulit
Ulit muli
(Nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)
Ito ang nais ko
(nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)
Nais ko
(nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)
Ito ang nais ko
(nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret