Basil Valdez - Tuwing Umuulan At Kapiling Ka lyrics

[Basil Valdez - Tuwing Umuulan At Kapiling Ka lyrics]

Pagmasdan ang ulan
Unti-unting pumapatak sa mga halaman
At mga bulaklak pagmasdan ang dilim
Unti-unting bumabalot sa buong
Paligid t'wing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda
Kasabay ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka nang sa
Piling ko'y lumisan pa
Hanggang ang langit ay tumila na?

Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo 'di mapipigil
Ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila
Ikaw rin magpapaalam na maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan ka
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?

Minsan pa ulan bumuhos ka't
H'wag ng tumigil pa hatid mo may bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka, ah ah ah

(Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak)
Ah ah ah la la la, la la la

Maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan ka
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?

Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo 'di mapipigil
Ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Minsan pa ulan bumuhos ka't
H'wag ng tumigil pa hatid mo may bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret