Basil Valdez - Paano Ba Ang Mangarap lyrics

[Basil Valdez - Paano Ba Ang Mangarap lyrics]

Paano bang mangarap ang isang bigo
Kung ang ligaya'y lalo pang lumalayo
Kailangan bang matulog nang sakdal-himbing
Tumatakas sa mundo at huwag nang magising
Paano bang mangarap ang isang sawi
Kung ang luha'y kapiling bawat sandali
Sana'y naituro mo ang dapat kong gawin
Bago tuluyang lumayo sa akin

Di ko alam na muli pang mag-isa
Mula nang makapiling ka
Dahil ako'y umaasa na lagi kang kasama
Laban sa mundo ay tayo lang dalawa
Paano bang mangarap na magbalik
At muling gigisingin pa ng 'yong halik
Kahit man lang sa huling saglit ng buhay ko
Ang pangarap ba'y magkatotoo

Di ko alam na muli pang mag-isa
Mula nang makapiling ka
Dahil ako'y umaasa na lagi kang kasama
Laban sa mundo ay tayo lang dalawa

Paano ba ang mangarap kung bigo
At may sugat ang iyong puso
Di ba't kailanga'y may kaagapay
Pagmamahal mo ay ang tangi kong buhay

Paano ba ang mangarap kung bigo
At may sugat ang iyong puso
Di ba't kailanga'y may kaagapay
Pagmamahal mo ay ang tangi kong buhay

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret