Basil Valdez - Tunay na Ligaya lyrics
[Basil Valdez - Tunay na Ligaya lyrics]
Bituin ‘pag kapiling ka sinta
Kahit liwanag ng buwan sa gabi
‘di ko na nasisisita
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko
‘Di ko pansin ang bango ng
Hasmin ‘pag kapiling ka sinta
Kahit ga dagat ang dami
Ng rosas hindi matataranta
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak
At ikaw nga, tanging ikaw sinta
Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag
Laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo
‘Di ko pansin ang bawat sandali
‘pag kapiling ka sinta
Bagyo’t ulan, kidlat at kulog man
‘di napapansin sinta
Iisa lang ang hinihiling kong kasagutan
Ang ngayon at kailanma’y makapiling ka
Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag
Laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo
Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag
Laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo (Ohhhh…ooohhh)
Hindi magsasawa sa piling mo
Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag
Laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo tanging ikaw
Hindi magsasawa sa piling mo