Basil Valdez - Ngayon lyrics

[Basil Valdez - Ngayon lyrics]

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tam'at mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali

Ngayon bago ito ay maging kahapon (kahapon)
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon (ooh)
Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas
Pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay
(laging) sulit lang kayganda ng buhay ngayon

Sa buhay mong hiram (sa buhay mo)
Mahigpit man ang kapit (kapit)
May bukas na sa yo'y di na rin sasapit (ooh)
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas, di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas
Pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay
(laging) sulit lang kayganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon (ahh)

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas
Pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay
(laging) sulit lang kayganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon (ahh)

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret