Belong, Zoo - Wala Lang lyrics

[Belong, Zoo - Wala Lang lyrics]

Ilang daan pa ba ang tatahakin
Ilang bundok pang aakyatin
Ilang alon pa ba ang haharapin
Bago maintindihang hindi ka na para sa 'kin

Paano ba gumising katulad mo
Paano ba gumising sa'yo

Maari mo bang ipahayag
Kung paano mo nilimot ang nakaraan
Na para bang wala lang
Na para bang wala lang
Maari mo bang ipaalam
Sa pusong iyong nilisan at pinagpalit
Kung paano mo kinayang mabuhay muli

Alam kong kaya mo akong tulungan
Kung paano ka mabibitawan
Mga pinagsamahang mga taon
Binaon mo lang agad sa kahapon

Paano ba gumising katulad mo
Paano ba gumising sa'yo

Maari mo bang ipahayag
Kung paano mo nilimot ang nakaraan
Na para bang wala lang
Na para bang wala lang
Maari mo bang ipaalam
Sa pusong iyong nilisan at pinagpalit
Kung paano mo kinayang mabuhay muli

Sa pag gising ng araw
Pupulutin ang sarili
Pupunasan ang luha't babangong muli
Kahit pa sa mga susunod na araw
Ay mag-isang muli

Maari mo bang ipahayag
Kung paano mo nilimot ang nakaraan
Na para bang wala lang
Na para bang wala lang
Maari mo bang ipaalam
Sa pusong iyong nilisan at pinagpalit
Kung paano mo kinayang mabuhay muli

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret