Gloc-9 - Ahon lyrics

Aristotle Pollisco

[Gloc-9 - Ahon lyrics]

Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung 'di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka

Tanda ko pa nung bata pa
Tatay ko mayr'ong dalang
Pasalubong galing Liverisa
Isang maliit na bisikleta
Na kalong kalong kalong nya
Anak bangon bangon bangon na

Nung binata na at pumoporma
Sa dalaga na kursonada
Dahil walang kotseng ipoporma
Dumadayong nakabisikleta umahon ahon ahon pa
Ako’y tapon tapon tapon din pala

Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung 'di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan

Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka

Kapag ikaw ay natumba pagpagin, bangon ulit
'Di ka dapat mahiyang
Matalsikan, putik-putik kahit na gumulong ka
Tiisin mo ang sakit pagsikad sa kaliwa
Sa kanan naman ulit nakakalula ang ahon
'Di ko yata kakayanin tuyo na ang lalamunan
Salubong ka pa sa hangin
Luto sa araw maghapon
Parang binilad na daing papunta at pabalik
Sa trabaho na mahiyain
Ang sweldo 'di magmarka
Parang pidal sa alulod
Puwede kang magpahinga kesa naman masubsob
Pawis sa mga mata batok pati sa likod
'Di ka na makahinga pagod ka pa sa pagod
Parang bisikleta ang buhay
Kahit minsan lang aralin
'Di puwedeng pasuray-suray
'Di pwede ang alanganin
Iba't iba man ang kulay mura man o mamahalin
Makakarating ka rin mabagal man o matulin

Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka

Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung 'di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan

Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung wala ka nang masakyan
Makipot o maluwag man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan

Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka
Woah ooh, ooh, ooh, woah

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret