Gloc-9 - Buhay lyrics

Aristotle Pollisco

[Gloc-9 - Buhay lyrics]

Lagi kang nangangarap
Lagi mong hinahanap
Kay tagal mong hinihintay
Ang inaasam mong tagumpay

Bagong kotse
Sariling bahay
Maraming pera
Iwas tambay, ito sagot d'yan

Simple lang naman ang buhay
(simpleng-simple lang)
Sipag na may kasabay na husay
(makinig ka lang)
Simple lang naman ang buhay
(simpleng-simple 'yan)
Sipag at tiyaga nang may mapala

Gising na, tanghali na, nakatirik na
Araw at biyaya ay may nakakuha na'ng iba
'Yan ang laging sinasabi sa'min ng aking ina
'Pag 'di ka pa rin bumangon ay tatamaan ka pa

Magkape ka na, may mainit pa diyang pandesal
At mantikilya, huwag mong kalimutang magdasal
Bilisan mo na
Bawas bawasan mo din ang pasyal
Tandaan mo lagi na 'di ka anak ng opisyal

Hindi kami 'habang panahon nandito, sige ka
Baka magaya ka sa iba dito, 'di kita
Pinalaking kulang sa sentido kumon na
Pwede mong gamitin nang pulido, kasi nga

Masikip lang ang bangka
Kaya huwag kang malikot
Tyagain mo sa harap, bantayan mo ang likod
Tapos tandaan ang buhay
Kailanma'y 'di de-remote
Galingan mo muna sa trabaho bago ma-promote

Simple lang naman ang buhay
(simpleng-simple lang)
Sipag na may kasabay na husay
(makinig ka lang)
Simple lang naman ang buhay
(simpleng-simple 'yan)
Sipag at tiyaga nang may mapala (kapit lang)

Sasakay ako ng jeep papunta sa Cubao
Lilipat sa bus na hindi crossing-ibabaw
Bababa do'n sa Ayala, ingat, baka maligaw
Bitbit ang biodata
May larawang dikit na hilaw

Gamit ay kaning lamig, kung tawagin ay bahaw
Kakainin mo pa rin kahit na medyo nilangaw
Pwede na kahit mababa ang sweldong pinataw
Basta matanggap lang sa trabaho ngayong araw

Makisama sa mga nauna sa'yo doon
Kahit na kung tratuhin ka
Lamang nila ay miron
Basta kung 'di mataas, iwasan mong tumalon
Kung walang masasabing mabuti
'wag kang tumugon

Masikip lang ang bangka
Nahuhulog ang malikot
Diinan sa harap pero bantayan mo ang likod
Tapos tandaan ang buhay
Kailanma'y 'di de-remote
Galingan mo muna sa trabaho bago ma-promote
Ha?

Simple lang naman ang buhay
Sipag na may kasabay na husay
Simple lang naman ang buhay
Sipag at tiyaga nang may mapala

Simple lang naman ang buhay
(simpleng-simple lang)
Sipag na may kasabay na husay
(makinig ka lang)
Simple lang naman ang buhay
(simpleng-simple 'yan)
Sipag at tiyaga nang may mapala (kapit lang)

La la la la la la la la
La la la la la la la la
La la la la la la la la

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret