Gloc-9 - Labandero lyrics
Gloc-9 [Aristotle Pollisco] Binangonan, Rizal, Philippines 🇵🇭
[Gloc-9 - Labandero lyrics]
Sa isusuot mo na pamorma
Bukas sa ligaw
Bakit may mantsa
Natapunan pa ng toyo nung
Kumain ng lugaw
Huwag mo nang patagalin
Mahirap yang tanggalin
Kung ako sayo
Gayahin mo to
Simple lang ang gagawin
Ihiwalay mo ang puti
Sa dekolor alam mo na
Upang kumupas man ang kulay ng itim at ng pula
Hindi hahalo sa iniingat ingatan mo na barong
At kamiseta na katerno ng bagong biling maong
NA LABADA NA
Dahil ang Buhay ay puno ng pag asa
Isampay mo lang sa labas ang mga basa
Aaraw Mamaya
Simulan mo lang ng madali at ng maaga
Babad lang
Kusot lang
Banlaw na!
Dapat lagi kang astig
Cool ka sa paningin
Mamahalin na damit
Hindi kulang sa diin
Isa lamang ang sagot
Sa tuwing tatanungin
Mas tahimik ang alkansya
Na puno kung kalugin
Sarilinin mo muna ang tagumpay
Yakapin ng galit
Pipi ka na mag ingay
Walang ibang marka ng paa ka na makakasabay
Ikaw lamang ang matatalo o syang mag tatagumpay
Dahil ang Buhay ay di malayo sa maduming damit
Pag katapos mong labhan ay kayakap mo yan ulit
Parang bukas sa buhay natin na walang kapalit
Tyagain ang pag kusot
Pigain ng mahigpit
Ihiwalay mo ang puti
Sa dekolor alam mo na
Upang kumupas man ang kulay ng itim at ng pula
Hindi hahalo sa iniingat ingatan mong barong