Gloc-9 - Pilak lyrics
Gloc-9 [Aristotle Pollisco] Binangonan, Rizal, Philippines 🇵🇭
[Gloc-9 - Pilak lyrics]
Nandito na naman ako
Maraming salamat nga pala kung pinakikinggan mo ito
Alam mo nong nag simula ako noong 1997
Hindi ko inisip na tatagal ako ng ganito
Kaya salamat
Puwede na akong tumabi, pero di nagmamadali
Palaparin ang papel, unatin ang naka tupi
Sa sultada ng buhay pula man o sa puti
Natalo sa una, pero sa huli di mag papagapi
Sige bangon, umahon, umalon man ng kahapon
Damputin lang ang mabuti, at ang masama'y itapon
'Yan ang natutunan ko nang tumagal at lumaon
Sa bunganga ng hayop, kapag hangal ay malalamon
Ng matatalas na pangil, umiwas ka sa dahil
Kaya ang dapat mong puntiryahin hindi marahil
Lapitan mo wag kang matakot kahit naka-angil
Hanapin nakatago man sa talahib o pilapil
Tapikin mo ang sarili mong balikat, bakit?
Kasi 'yan ang tunay at walang kasamang inggit
Pumikit maliit man ngayon, dumikit
Ka lamang sa kasipagan at tiyaga, malupit
Ang kahihinatnan, mataas man ang hagdan
Balikan ng balikan at nang matandaan
Ang pangalan, alang alang sa nilaban, tinaya mo sa
Tagal ng panahon, yumaman hindi nagiba
Ang pangarap na hinanap nakamit
Parang akap akap na bagong biling damit
Malupit yan na kwento, sa tuwing mag-papagupit
Kahit makapal na yero yan punit
Pag legit!
You might also like
Kasi walang kasing talas ang bitbit
Kapag nahagip ka ay tinamaan ng lintik
Kaya tumabi, di na uso ang patumpik tumpik
Kung di mo alam kung saan ka pupunta ay bumalik
Teka muna, ako ay nananawagan na uli
Kung meron ka pang dapat na sulatin ay umuwi
Mga letra at tugma nang ang mukha ay ngumiwi
Matapang na titindig kahit hindi ka pa tuli
Alam kong bawal tumigil at hindi dapat huminto
Iyan ang payo ko sayo para di ka mabigo
Salamat sa lahat ng nag bukas sa 'kin ng pinto
Ok na ako sa pilak kahit na di maka ginto
Alam kong bawal tumigil at hindi dapat huminto
Iyan ang payo ko sayo para di ka mabigo
Salamat sa lahat ng nag bukas sa 'kin ng pinto
Ok na ako sa pilak kahit na di maka ginto
Ayos na po
Malalakas na palakpakan at sigawan
Nakakasilaw na ilaw
Sa entabladong nag lalawakan
Laughtrip foodtrip
At walang humpay na laboy na umabot pa kahit sa ibang bansa
Nakakatuwa
Pero kasabay ng lahat ng tagumpay na yan
Ay dugo, pawis at luha
Na kailanman ay di mo maikakaila
Huwag na natin isama pa kung ilan
Ang mga nagawa, hindi kasali yan
Ang mahalaga ay kung kaya mo pang tingnan
Walang kurap ang mata, masilaw man sa kinang
Na hindi galing sa 'yo, ang alam mo lang ay masaya pa ring
Diinan ang panulat kahit tapos nang tuparin
Ang mga dasal mo dati, isa isang pitasin
Sa pisara, dahil alam mong kaya kang panisin
Lunukin, tanungin, alukin, sambitin
Ang dating ikaw ay isigaw, piliting hingin
Baka sakaling meron pang natitirang bunuin
Tila may napulot kang anting-anting
Kasi walang reserba 'to, mapako man ang goma ng milyon
Huwag maubusan ng hangin, di to yabang o pikon
Nang may madukot, matutong mag-ipon
Pag maayos mo 'kong tinawag, asahan na lilingon
Tandaan mo lang
Tandaan mo lang