Gloc-9, Ice Seguerra - Kislap lyrics
Gloc-9 [Aristotle Pollisco] Binangonan, Rizal, Philippines 🇵🇭
[Gloc-9, Ice Seguerra - Kislap lyrics]
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo baka di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo baka di na maulit
Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y
Hinahanap ng aking inay habang lumalangoy
Sa ilog na lumalim dahil bumagyo kagabi
Walang tigil sa pagsisid kahit medyo madumi
Ibalik mo ako sa kalsada kong nilakaran
Patungo sa eskwelahan na aking pinasukan
Mula una hanggang sa ika-anim na baitang
Lubid ng aking turumpong
Nakatali sa'king baywang
Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y
Pinagtatawanan dahil ang sapatos ko ay baduy
Di mamahalin ang damit simula sa umpisa
At ang aking pantalon ay di
Limang daan ang isa
Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid
Nagiisa, nagiisip at walang bumibilib
Walang palakpakan at sigawan na nakakatulig
Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig
Kislap ng mga ilaw sigaw at palkpakan
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo baka di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo baka di na maulit
Ibalik mo ako sa mga araw na
Nakadungaw sa bintana sige mangarap ka
Magrap ka nga dito sa vitaris bumanat ka
Baka mahulog ka sa jeep pare humawak ka
Ibalik mo ako sa araw na ko'y dinugas
Akala ko kaibigan, kaya naging tagahugas
Ng pinggan sa iba't ibang restaurant
Dun mo subukang magapply
Pare da' best daw yan
Lampas sa minimum ang sweldo
Libre ka pa sa kain di pwedeng pansustento
Di malayong hikain
Sa init ng kalan, lutuin mo isang banyera
Pagod ka na, heto pa itaas mo ang bandera
Ng mga manggagawang pinoy
May among mayamang tsinoy
Gusto kong bumalik sa mga
Panahong noong ako'y
Nananalanging palarin, mga adhikai'y makain
Malupit na makata kung tawagin
Paborito kahit di taga-samin
Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid
Nagiisa, nagiisip at walang bumibilib
Walang palakpakan at sigawan na nakakatulig
Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig
Kislap ng mga ilaw sigaw at palkpakan
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo baka di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo baka di na maulit
Kislap ng mga ilaw sigaw at palkpakan
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo baka di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo baka di na maulit
Ibalik mo ako sa mga araw na
'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa
Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa
Nang Sa kabila ng lahat ay madalaw ka
Ibalik mo ako sa mga araw na
'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa
Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa
Nang Sa kabila ng lahat ay madalaw ka
At makausap