Gloc-9, Rico Blanco - Magda lyrics
Gloc-9 [Aristotle Pollisco] Binangonan, Rizal, Philippines 🇵🇭
[Gloc-9, Rico Blanco - Magda lyrics]
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Na hanap-buhay mo ngayon
Magdalena, anong problema?
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama'y ikaw ay prinsesa
Anong nangyari sa'yo?
Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na'ng ilaw ay patay sindi
Simulan na natin ang istorya
Ako'y kaniyang matalik na kaibigan
Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat niyong malaman
'wag nang magbulag-bulagan
Bakit ang nais natin ay malaman
Ang baho ng iba?
Pagbibigyan kita, kilala mo ba si Magda?
Na aking kababata, mula pa nang pagkabata
Kami lagi magkasama
Mga bangkang papel sa sapa
Kaniyang ngiti, lumiliwanag ang paligid
At 'pag siya'y dumadaan
Mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman, pinilit kong isara
Ang bibig at pintig ng puso para sa kaniya
At sa sayawan, matapos kaming makapagtapos
Dahil pinawis ang mukha
Ako'y nagpunas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay
Nagmamadaling hinila
Pinakilala niya lalaki na taga-Maynila
Magdalena, anong problema?
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap-buhay mo ngayon
Magdalena, anong problema?
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama'y ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa'yo?
Maraming taon ako'y nalipasan
Pinilit ko mang takasan
Bagkus ay aking nalaman ang
Tunay kong kailangan
'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
Minamahal ko siya, hahanapin ko si Magda
Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
Sa lugar na ang
Sabi'y kaniyang pinagtatrabahuhan
Nakita ko'ng larawan niya na
Nakadikit sa pintuan
Iba man ang kulay ng buhok
'di ko malilimutan
Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
At dahil ubod ng saya, hindi na nag-atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan
May mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita ko na
Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot:
"Bakit siya sumasayaw na sapatos
Lang ang suot?"
Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kaniyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na'ng ilaw ay patay-sindi
Ituloy natin ang istorya
Agad siyang sumama sa'kin walang kakaba-kaba
Ang trato niya sa'kin ay
Nobyo tila kataka taka
Bumaba sa taxing pinara sa may Sta mesa
Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
Kung ito ay panaginip, ayoko nang magising
Ngunit ako'y nanaginip
Umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
Liham para sa'kin na isinulat niya magdamag
Kahit gulong-gulo ang isip
Pinilit kong basahin
'Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
Mahal kong Ernesto
Alam kong tulog mo'y malalim
'Di na 'ko nagpaalam, 'di na kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
Nung iniwan ko ang baryo natin, ang akala ko
Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
'Di ko inakalang, ito ang kahahantungan ko
Imbis na ako'y sagipin, itinulak sa bangin
Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
Kung mabaho sabunin, kung makati, gamutin
Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalaki
Isa lang ang kaya kong sa'yo'y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod tanging
Hinalikan ko sa labi
Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap
Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sa'yo ay 'di karapat dapat
Pinangarap kong sa altar, ako'y iyong ihatid
Ngunit sa dami ng pait
Ang puso ko'y namanhid
'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap, 'wag ka na sana pang babalik
Regalo ng Maykapal, ang ikaw ay makilala
Salamat sa alaala, nagmamahal, Magda
Magdalena, anong problema?
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon
Magdalena, anong problema?
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama'y ikaw ay prinsesa
Anong nangyari sa'yo?
Ito'y kwento ng isang babae