Gloc-9, Quest - Siga lyrics
Gloc-9 [Aristotle Pollisco] Binangonan, Rizal, Philippines 🇵🇭
[Gloc-9, Quest - Siga lyrics]
Sino ang maton may pusong ‘di mamon
Walang atrasan sa mga laban
Kahit sinong maghamon
Ako’y isang maton at tila kamagong
Ang aking pagkalalaki kahit sino’ng magtanong
Dahil ako’y siga, ‘di mahina
Ang matapang lumabas kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas
Ako’y siga, ‘di mahina ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan walang inuurungan
Tato sa balat, bali itong kagat
Pag ako’y lumapag ay tiklupan lahat
Kay bilis kumaripas walang kaparehas
Kasing tigas ng braso ko ang malamig na rehas
Ako lang ang may kalyo
May kalyong parang bato
Sa dami ng sinapak ang lahat ay pinakaba ko
Parang yelo sa bulok na ngipin nakakangilo
Pag tinamaan ka sa panga sigurado kang hilo
Ano ba talaga? Ang tunay na kahulugan
Ang katagang siga subukan nating kalagan
Laging kinakatakutan
Sakit sa katawan pag ika’y inabutan
Walang makapalag kahit na may binatukan
Balde ng kamao ika’y pinapaliguan
Ako’y siga, ‘di mahina ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan papalag ng matigas
Ako’y siga, ‘di mahina ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan walang inuurungan
Sa panahon ngayon, iba na nilalaman pahina
Basahin mo, lumapit ka, ‘wag kang bibitaw
Kumapit ka
Tawagin mong sinungaling parang kabaluktutan
Na pinilit maibaling
Upang maging deretso, baguhin ang palaging
Gamit na panindak kahit walang pahapahaging
Dahil kung minsan ay hindi lamang puro tigas
Pakuluin ng lumambot ang butil ng bigas
Sa bawat hibla ng palay
Tatahakin ang tama kahit na
Maputik at madulas
Sino ba ang duwag at basag ang mukha
Hindi sumalag ngunit sa gapos ng buhay
Pumiglas kinalas
Pagkain para sa pamilya, sa hapag nilapag
Yan ang siga
Sino ang maton, may pusong ‘di mamon
Walang atrasan sa mga laban
Kahit sinong maghamon
Ako’y isang maton at tila kamagong
Ang aking pagkalalaki kahit sino’ng magtanong
Dahil ako’y siga, ‘di mahina
Ang matapang lumabas kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas
Ako’y siga, ‘di mahina ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan walang inuurungan
Kahit ano mang gamit
‘Di mo kayang durugin ‘to
Ooh whoa oh oh oh oh oh kahit ano mang galit
‘Di mo kayang takutin ‘to
Kahit takutin sunugin ang tapang na dala’y
Matapang pagdating sa kapakanan ng iba
Maangas kapag kaharap ang hamon ng iba
‘Di pasisindak sa takot at kaba
Gabi-gabi digmaan ng kanyang mga tato
Kahit bugbog sarado hindi magpapatalo
Kapag pinabagsak agad-agad bumabangon
Ipakita ang tikas, ilabas ang gilas
Itaas ang bandila ng makabagong siga
Ako’y siga, ‘di mahina ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan papalag ng matigas
Ako’y siga, ‘di mahina ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan walang inuurungan
Ako’y siga, ‘di mahina ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan papalag ng matigas
Ako’y siga, ‘di mahina pag tumawag sa taas
Kahit sa anong bakbakan walang inuurungan