Jikamarie - aking buwan lyrics

Angelika Lois Ponce [Philippines]

[Jikamarie - aking buwan lyrics]

Ako'y pinagpala
Hindi inakala
Ikaw na buwan at ako na bituin
Ay pinagtagpo sa gitna ng dilim

Tila tinadhana
Bukal ng ligaya
Ang aking dasal ba ay diringgin
Eto na nga ba ang aking hiling?

Araw-araw ay binibilang
Orasan ay aking tinititigan
Hanggang dumating ang
Aking tanging hinihiling na ika'y
Masilayan pa
Nang wala nang distansya

Langit, langit ang aking nadarama
Sa t'wing ramdam kong andyan ka
Lumulutang ang mga paa
Hanggang kailan magaabang


Makapiling ka nang walang hadlang

Kahit panandalian
Ako ay silayan
Kahit yun lang aking tatanggapin
Ang kakarampot aking lulubusin

Dito sa dilim
Aking dadamhin
Ang pakiramdam nang wala ka sa'king
Mga bisig, aking pag-ibig
Kailan ka ba mapapasakin?

Langit, langit ang aking nadarama
Sa t'wing ramdam kong andyan ka
Lumulutang ang mga paa
Hanggang kailan magaabang
Makapiling ka nang walang hadlang

Langit, langit ang aking nadarama
Sa t'wing ramdam kong andyan ka
Lumulutang ang mga paa
Hanggang kailan magaabang
Makapiling ka nang walang hadlang
Aking buwan

Sa gitna ng aking buwan
Kapiling na aking buwan
Sa gitna ng aking buwan
Kapiling na aking buwan

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret