Jikamarie - HALIMAW lyrics

Angelika Lois Ponce [Philippines]

[Jikamarie - HALIMAW lyrics]

May tinig na umuugong
Sumusundot hanggang noo
Guni-guni ko lang ba ito?

At meron pang konting hilo
Pa'no ako napunta dito?
Eto na ba'ng aking sundo?

Patungo sa kagubatan
Ako'y 'yong samahan
Lamig ng hangin ay tutunawin
Humawak ka sa'king kamay
At tayo'y maglalakbay

Takasan ang daigdig
'Wag nang bumalik
Dito ka na lang sa'kin
At ikaw ay dadalhin
Sa madilim
Sa punong ilalim



At dun tayo aawit
Ng mga himig
Tayo lang ang makakarinig
Pangako mo sa akin
Dito sa bisig ko ikaw ay hihimbing

At sa gitna ng kadiliman
Kilabot sa'kin ay humahagkan
Tanggapin ko na ba ang hangganan?

Patungo sa kagubatan
Ako'y 'yong samahan
Lamig ng hangin ay tutunawin
Humawak ka sa'king kamay
At tayo'y maglalakbay

Takasan ang daigdig
'Wag nang bumalik
Dito ka na lang sa'kin
At ikaw ay dadalhin
Sa madilim
Sa punong ilalim

At dun tayo aawit
Ng mga himig
Tayo lang ang makakarinig
Pangako mo sa akin
Dito sa bisig ko ikaw ay hihimbing

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret