Jikamarie - Kailangan Ko Ng… lyrics

Angelika Lois Ponce [Philippines]

[Jikamarie - Kailangan Ko Ng… lyrics]

Kailangan ko ng yakap
Kailangan ko ng halik sa'king pisngi
Kailangan ko ng ugong
Ng malamig na tinig

Ilang panahon din na nagkulong
Sa'king kwarto at kulob na kulob
Matagal na akong nag-iintay
Na dumanas ng tunay na

Ligaya, san ba makakakita
Ng mga ngiting nagliliwanag kahit 'di umaga
Na kahit lumipas ang isang maghapon
Ay parang walang oras na natapon
Asan na ba?
Ako'y naiinip na

Kailangan ko ng oras
Para libutin ang daigdig
Kailangan kang makita
Kahit maubos ang aking



Natitirang panahon
Na nakakulong
Sa'king kwarto at kulob na kulob
Aanhin ko ang katahimikan
Kung wala namang magpaparamdam sa'kin ng

Ligaya, san ba makakakita
Ng mga ngiting nagliliwanag kahit 'di umaga
Na kahit lumipas ang isang maghapon
Ay parang walang oras na natapon
Asan na ba?
Ako'y naiinip na

Araw araw na palaisipan sa'kin:
"Mga anong oras ba siya na darating?"
May pag-asa bang dalangin ko'y dinggin
Dinggin hiling na

Na kahit lumipas ang isang maghapon
Ay parang walang oras na natapon
Asan na ba?
Ako'y naiinip na

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret