Loonie - Abante lyrics

Loonie [Marlon Peroramas]

[Loonie - Abante lyrics]

Wala ng gasolina butas pa ang gulong
Tapos ang sapatos ko'y sira na, uhaw pa at gutom
Kulang ang dalang pamasahe ngunit anu man ang mangyare
Abante abante
Tuloy tuloy tuloy lang ang byahe

Akala ko dati mga pangarap ko'y hanggang doon nalang
Tadyak sa araw sampal sa bituin suntok sa buwan
Pero di ko tinigilan parang butong pakwan
Isang hakbang nilaktawan buong hagdan
Tutugmaan ko yan lahat kahit tungkol saan
Pupuntahan ko ang tuktok kahit saang bundok pa yan
Para lang marinig ng madla ang mga nabuong kantang
Pinag-alayan ko ng laway, pawis, dugo't laman
Habang naglalakad sa matrapik na kalye
May baong mabahong kahapon sa aking bagahe
Laging nag-babakasakaling may taxing bakante
Akala ko kasi malapit lang date
Maraming nag-sasabing sa putik nanggagaling ang mga
Mamahaling diyamante maraming panganib at mga balakid
Subalit ang aking bawat hakbang ay palaging abante



Wala ng gasolina butas pa ang gulong
Tapos ang sapatos ko'y sira na, uhaw pa at gutom
Kulang ang dalang pamasahe ngunit anu man ang mangyare
Abante abante
Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe
Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy
Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe
Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy

Mula sa leyte ako ay napunta sa bagong ilog
Tapos lumipat sa bangban, pasig hanggang sa nalibot
Ko na ang kanluran, hilaga, silangan at ang timog
Ng kamaynilaan at lahat ng pasikot-sikot
Pag nasa cebu ako tingin sakin manileño
Pero pag nasa luzon ako'y bisayang pasiguenio
Dati ruta ko'y mandaue, guadalupe gorordo
Hanggang sa umabot sa America at toronto
O diba di na pinas yon
Wala ng limitasyon kahit saan pupuntahan
Basta may imbitasyon
Naglalakbay para sa inspirasyon
Kasi mas masaya pa ang biyahe kesa sa mismong destinasyon
Kaya kahit anong mangyare pare tuloy ang biyahe
Kahit na makatapak pako ng kumunoy o tae
Basta kahit na magkanda leche leche o ano
Wala akong paki alam dere deretcho lang ako

Wala ng gasolina butas pa ang gulong
Tapos ang sapatos koy sira na uhaw pa at gutom
Kulang ang dalang pamasahe ngunit anu man ang mangyare
Abante abante
Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe
Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy
Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe
Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy

Ako ay nakisalamuha sa iba't ibang uri ng tao
Tinahak ang eskinita na puro dumi ng aso
Tinawid ang ilog na puno ng piranhang gutom
Hinarap ang mga kaso sa gitna ng hukom
Panginoon kelangan ko ng lakas na espiritwal
Diyos ko po nakakalula ang taas ng pedestal
Alaalang matatalim nakatanim saking bungo
Mga mali ko ang pinaka magaling ko na guro
Ngunit sa tuwing ma aabot ko na ang liwanag
Sa dulo't unti-unti ng lumilinaw ang mga malabo
Bigla bigla namang naglalabasan ang mga nakakatakot
Na halimaw na nakatago
Napasarap ang tulog sa upuan ng lumang bus
Kinumutan ng bangungot at tuluyang lumampas
Kung wala kang pamasahe matuto kang umangkas
Di baleng lumakad ng pagapang basta't wag kang umatras

Wala ng gasolina butas pa ang gulong
Tapos ang sapatos ko'y sira na, uhaw pa at gutom
Kulang ang dalang pamasahe ngunit anu man ang mangyare
Abante abante
Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe
Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy
Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe
Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy ang biyahe

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret