Loonie - Pamanggulo lyrics

Loonie [Marlon Peroramas]

[Loonie - Pamanggulo lyrics]

Bawal sumagot kay kuya
'di pwedeng patulan si bunso
Dapat ay sila na muna bago
Maibigay ang aking gusto
Dinadaan daanan, dinaig pang lansangan
Tinaguriang "Tigapagmana ng mga pinaglumaan"
Nasa sentro pero bakit walang atensyon
Lagi lang na sa gitna ng tensyon
Wala pa ring desisyon kahit may kumpetisyon
Uh 'Di pa naranasan na manalo
'di rin nasubukan na matalo
Ano kaya pakiramdam 'pag sa'yo na nakatutok
Ang mata ng mga tao

Kahit saang paglagyan, sa likod, gitna
Harapan
Palaging tablado tuwing mananalo sa labanan
Oh-oh, kasali sa laro at nagsasaya
Kahit sa'yo ay walang tumataya
Kahit na alam mo ang tungkulin
Ng isang dakilang pamanggulo

(Dahil alam mo na, dahil alam mo na)
Pamanggulo
(Dahil alam mo na, dahil alam mo na)
Pamanggulo
(Dahil alam mo na, dahil alam mo na)
(Dahil alam mo na, dahil alam mo, mo, mo)

Sa pagitan ng pagiging alamat at kung
Pwede ka na bang ngumarat
Pwede ka na bang humarap
Para sabihin ang lahat?
Pero sino ang makikinig
Mga tenga na hindi naman
Nakaharap sa'yong bibig
Nakatutok lang na magkabilaan
Kaliwa't kanan sa mga bintana
Na maliit mong silid
Ganyan talaga (Talaga) , kanino ka maniniwala
Sa mga gusto na agad tumanda o
Sa mga bumalik sa pagkabata? (Pagkabata)

Kahit saang paglagyan, sa likod, gitna
Harapan
Palaging tablado tuwing mananalo sa labanan
Oh-oh, kasali sa laro at nagsasaya
Kahit sa'yo ay walang tumataya
Kahit na alam mo ang tungkulin
Ng isang dakilang pamanggulo

(Dahil alam mo na, dahil alam mo na)
Pamanggulo
(Dahil alam mo na, dahil alam mo na)
Pamanggulo
(Dahil alam mo na, dahil alam mo na)
(Dahil alam mo na, dahil alam mo, mo, mo)

Paborito pa rin kahit 'di mo pansin
Kahit 'di mo alam ay handa kong
Gawin ang dapat kong gawin
Para lang masinagan ka ako'y nasa dilim
(Nasa dilim) lumipas man ang ilang araw at
Buwan ako ang bituin (Ako ang bituin)

'Di ba't inaasinta kapag nasa
Gitna pero bakit gan'to?
Walang huli't simula kung wala
Ang gitna akin napagtanto
Kahit ilang beses na bumagsak sa
Lapag at walang sumalo
Gitnang daliri lamang ang handang
Tumayo para sa'yo

Kahit saang paglagyan, sa likod, gitna
Harapan
Palaging tablado tuwing mananalo sa labanan
Oh-oh, kasali sa laro at nagsasaya
Kahit sa'yo ay walang tumataya

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret