Quest, Julianne Tarroja - Digmaan lyrics

[Quest, Julianne Tarroja - Digmaan lyrics]

Ito ang digmaang, 'di ko uurungan
Patuloy ang laban, 'di ka papabayaan
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay

Hindi matitinag, hindi masisira
Hindi manghihina, hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay

Para sa mga sugatan,  para sa mga luhaan
Sa mga hindi kuntento,  may mapait na kwento
Sa 'di alam ang daan, nawawala na naman
'Wag kang mawalan ng pag-asa
Hindi kita lulubayan, ika'y umasang
Ako'y palaging nand'yan
Kung ang akala mo ay nag-iisa ka
Nagkakamali ka, sasamahan kita
Alay ko ang aking buhay
Magsisilbing patnubay
'Di ako naniniwalang sablay ka habang buhay
Halika rito, 'wag makinig kung kani-kanino
Harapin ang liwanag, talikuran ang anino

Ito ang digmaang, 'di ko uurungan
Patuloy ang laban, 'di ka papabayaan
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay

Hindi matitinag, hindi masisira
Hindi manghihina, hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay

Kapit, 'wag bibitaw, hindi ka na maliligaw
Kapag ang kahapon lumilitaw
Pwede kang sumigaw
Buntong hininga, handa ka na ba?
Tatandaan ang katapusan ay panibagong simula
'Yung dating talunan, ngayon ay isang kampeon
Saling pusa noon, ngayon ay mabangis na leon
Nasa unahan na ngayon
Dating nasa huli palagi
Nagsimula sa wala pero ngayon labis mamahagi
Iniwanan sa putikan, ngayon ay tinitingala
Tinawag na sumpa 'yun pala
Siya'y isang himala
'Yan ang storya mo, pangako ko
'Wag ka lang mawawalan ng pag-asa
Tandaan ako'y palaging nand'yan

Ito ang digmaang, 'di ko uurungan
Patuloy ang laban, 'di ka papabayaan
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay

Hindi matitinag, hindi masisira
Hindi manghihina, hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay

Hindi kita iiwan, oh ohh, hindi kita iiwan
Hindi kita iiwan, oh ohh, hindi kita iiwan
Hindi kita iiwan, oh ohh, hindi kita iiwan
Ohh hindi kita iiwan, hindi pababayaan
Hindi kita iiwan, hindi pababayaan
Ikaw ang aking tagumpay

Tu-ru-ru-ru-ru, tu-ru-ru, du-ru-ru-ru
Ru-ru-ru-ru
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret