Quest, Juan Miguel Severo - D.K.R. lyrics

[Quest, Juan Miguel Severo - D.K.R. lyrics]

Ito'y para sa naghihintay
Ito'y para sa naglalakbay
Ito'y para sa naliligaw
Ito'y para sa naiinip
Ang liham na ito ay para sa'yo buksan mo

Sa bawat araw, oras-oras
Hanapin ang iyong pagkakataon
Sa bawat linya ng bawat kuwento
Sumasalamin ng bawat panahon
Sugat at duda, daloy ng luha
Sundan ang puso mong nagtatanong
Nasa kasalukuyan ang kasagutan
Bumangon ka sa pagkakabaon

Wag matakot lakbayin ang liwanag at dilim
Sa panig mo'ng mga bituin
Kaya't mararating mo rin pangarap, tagumpay
Pag-ibig ang gabay kaya alam kong darating
Darating ka rin darating ka rin

Ilang sandali lang mahahanap ang hantungan
Mapupuspos kang husto mapupuno ng kuwento
Mag-aalay ng pag-ibig maaalayan ng pag-ibig
Matutulog ng mahimbing gigising ng maligaya
Mapagod ma'y masaya nandito ang puso
Na hanap ang layunin nakilala ang galing
Yakapin mo't ibigin ang bawat sandali
Pagkaligaw mo'y ginto humulma ng alahas
Tawagin mo'ng bukas ipunin ang lakas
Matagal kang naghintay matagal kang naglaboy
Naghanda siya sa'yo maghanda sa kanya
Iwaksi ang pangamba darating ka na

Wag matakot lakbayin ang liwanag at dilim
Sa panig mo'ng mga bituin
Kaya't mararating mo rin pangarap, tagumpay
Pag-ibig ang gabay kaya alam kong darating
Darating ka rin, ohhh darating ka rin, ehh

Nagpasa man ng mga tuhod mo sa panalangin
Napaos man ang tinig mo
Sa pagbulong sa hangin
Namungay man ang mga mata

Wag matakot lakbayin ang liwanag at dilim
Sa panig mo'ng mga bituin
Kaya't mararating mo rin pangarap, tagumpay
Pag-ibig ang gabay kaya alam kong darating
Darating ka rin darating ka rin
Darating ka rin, ohh darating ka rin, ehh
Darating, darating darating ka rin
Darating, darating darating ka rin
Darating, darating darating ka rin
Darating, darating darating ka rin

Ohhh darating ka rin

Darating, darating darating ka rin
Darating, darating darating ka rin

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret