Quest - Saludo lyrics

[Quest - Saludo lyrics]

Ito ang alay ko, ito ang istorya mo
Alamat na kailangan makilala ng buong mundo
Isang pagpupugay, kailangan ipagdiwang
Pasasalamat at ika'y isinilang
'Di pang-karaniwan para siyang superhero
Hinarap lahat ng pagsubok 'yung
Iba hindi biro
Meron siyang misyon kaya walang takot sumabak
Mga buhay na nakasalalay sa kaniyang pangarap
Parang pelikula, action, adventure, drama
May konting comedy, love story na pang masa
Galing sa wala akala mo talo na tapos
'Yun pala siya 'yung bida
Kaya lahat sila paos
Kasisigaw, kahihiyaw selebrasyon
Buong mundo magtataka, kakaibang okasyon
Itaas ang kamay sumigaw ng hoy
Ito ang araw mo, bayaning Pinoy

Saludo, sa mga bida na tunay
Na nagpakita ng husay, dito sa liga ng buhay
Saludo, mga kampeon, mga dakilang
Hindi sumuko, 'di nagpaalila
Saludo, sa inspirasyon, karagdagang lakas
Salamat dumaan kayo sa tamang landas
Saludo, kami sa inyo ay saludo, saludo

Walang balak sumuko, walang planong gumuho
Tagumpay lang, walang iba
Binigay niya buong puso
Hinarap lahat ng tuso, pati mga abuso
Nanatiling tapat sa pangarap
Hanggang naging uso
Ang buhay positibo, agresibo mismo
Kaya pinarangalan siyang Bayaning Pilipino
Taas noo kahit pango, 'di na bigo, 'di nalito
'Di huminto, inabot niya ang ginto
Ngayon tahimik na lahat ng kritiko
Bukang bibig na rin nila ang mga hirit mo
Hanggan nag-trending, ang daming likes
'di na makalimutan front page, headlines
Hanggang sa kanto laman ng kwentuhan
Pag-asa'y pinagsaluhan, pero 'di naubusan
Binigay ng lubusan
Hanggang sa huling hantungan
Buhay na buhay, walang humpay, tagumpay

Saludo, sa mga bida na tunay
Na nagpakita ng husay, dito sa liga ng buhay
Saludo, mga kampeon, mga dakilang
Hindi sumuko, 'di nagpaalila
Saludo, sa inspirasyon, karagdagang lakas
Salamat dumaan kayo sa tamang landas
Saludo, kami sa inyo ay saludo, saludo

Sabi daw walang pag-asa pero tinapos
Sabi daw imposible pero 'di pa rin natakot
Sabi nila mahirap pero nagpursige
Kaya ngayon lahat sila ngayon, sige lang
Sige nung lahat umurong, siya sumugod
Nung lahat lumubog, siya 'di nalunod
Natutong maglakad sa tubig pananampalataya
Diyos ang kaniyang agimat kaya
Walang hindi kaya

Saludo, paglaki ko gusto ko
Maging katulad mo, yeah
Saludo, maipagmamalaki sa buong mundo
Saludo, ikaw ang dahilan kung
Ba't hindi ako susuko
Saludo, taos pusong pasasalamat
Isa kang alamat

Saludo, sa mga bida na tunay
Na nagpakita ng husay, dito sa liga ng buhay
Saludo, mga kampeon, mga dakilang
Hindi sumuko, 'di nagpaalila
Saludo, sa inspirasyon, karagdagang lakas
Salamat dumaan kayo sa tamang landas
Saludo, kami sa inyo ay saludo, saludo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret