Quest, Juan Miguel Severo - Sige Lang x Pagsisisga sa Tabing Dagat lyrics

[Quest, Juan Miguel Severo - Sige Lang x Pagsisisga sa Tabing Dagat lyrics]

Kung ako sayo tumayo ka ng dyan
Huwag ka nang magpahuli kami ay sundan
Patungo sa liwanag, aabutin ang tala
Pagkatapos pakita sa mundo pusong nag babaga
Unang lahat ay mamulat sa aking susulat
Parinig sa lahat ang aking iuulat
Huwag ka nang mabahala ako ang bahala
Kasangga natin si Bathala

(Juan Miguel)
Ikaw na umibig sa kanya, umibig ka pa
Ibigin mo siya sa kabila
Ng kanyang mga pagkukulang
Ibigin mo siya para sa
Kanyang mga pagkukulang basta't umibig ka pa
Ito ang iyong pagkakataon
Ang hinihintay na sandali
Maging mas malaki maging buo
Maging parola ng dilim maging pantalan
Buksan mo ang iyong mga kamay
Para sa pagragasa ng mga alon
Sanayin ang iyong dibdib sa pagtanggap
Sa kanilang mga inaanod hindi lang sa kanya
Umibig ka
Ibigin mo siyang mukhang di maalala
Sa araw-araw na pagsakay ng tren
Silang ibang wika lang ang kayang bigkasin
Silang duguan, silang markadong makasalanan
Ibigin mo ang batang nag aalok
Sayo gabi-gabi ng bulaklak
Yan ang halimuyak ng
Isang kuwentong nagpupursige
Sa labas ng yong mundo
Ibigin mo ang kanilang mundo

Ilabas ang yong pangarap
Huwag mo yang itatago
Samahan mo ng sipag at tatag ng puso
Tumayo ka sa yong silya ikaw ngayon ang bida
Wala nang pipigil pa eto na, eto na

Ibigin mo tong mundo sa kabila
Ng taglay nitong dilim
Hayaan mo ang sariling magningning
Tandaan ikaw ay anak ng araw at mga bituin
Kaya mong kuminang isinilang ka man
Sa gitna ng gabi
Kaya sindihan ang iyong ilaw
Wag mo tong ikahiya
Ngayon higit sa kailanman
Kailangan ng mundo ang iyong apoy
Yung alab na walang tinutupok
Na lungsod o kagubatan
Walang inaabong bahay dasalan o sayawan
Walang inaabong silid-aralan
Walang pinapatay ang pag-ibig
Kundi ang dilim kundi ang dilim

Hanggang ako’y humihinga sugod lang laban pa
Pangarap abutin kumislap tulad ng mga bituin
Sige lang, di ka nagiisa sige lang sige pa!

Kaya heto
Ito ang iyong imbitasyon upang magliyab
Heto ang balitang ituring mong panggatong
Heto kaming mga kaibigang
Kiligin sa'yong siga nakaupo sa buhangin
Nakabantay sa dalampasigan
Makikinig sa kuwento at pipilitin
Na piliin ang pag-ibig sa
Simula hanggang huli mahaba pa ang gabi
Pero magniningning pa rin ang ating
Apoy sa tabing dagat at sinong umiibig?
Ang hindi handang magpuyat sinong umiibig?
Ang hindi handang magpuyat

Walang imposible sige lang ng sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo sama sama tayo
Hanggang sa dulo ano man ang pagsubok
Hindi susuko, alam kong kaya mo
Sige lang sige! Sige lang sige!
Walang imposible!

Walang imposible! Walang Imposible!
Sige lang sige! Sige lang sige!

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret