Radioactive Sago Project - Hello Hello lyrics

[Radioactive Sago Project - Hello Hello lyrics]

Hello? Hello? Hello
Marami na ring kantang nagawa
Tungkol sa hello nandyan na yung "Hello
Is it me you're looking for" meron ding
"the trouble with hello is goodbye"
Meron ding, "Hello dolly, hello mother
Hello mother earth, hello teacher, hello
Friend, hello sweetheart, "
Meron ding, "You say goodbye and
I say hello, hello, hello
You say goodbye and I say hello"
Pero ewan ko lang
Itong kanta tong "Hello" ang title
Pero walang kinalaman sa "Hello"
May kumakatok lang talaga sa utak ko eh
May kumakatok sa utak ko
"Katok-katok-katok" ang palaging sinasabi
"Hello, hello, andiyan ka ba? Hello?"
Palaging may kumakatok sa utak
Ang sinasabi niya, "Hello? Hello? Hello?"

Nakaupo sa kalye, sa kalye, sa kalye
Ang utak kong magaan na para mang may bulate
Hindi maitindihan ang kailangan ng katawan
Buti pang tumahimik sasakit ang lalamunan
Sakay sa eroplano ng imahinasyon
Mataas pa na lipad, babagsak din sa bubong
Wala akong masabi, wala akong maintindihan
Wag ka nang humirit sasakit lang ang laman
Maraming sinasabi ang ate, ang ate
Ipasok mo sa maliit mong kokote
Walang patutunguhan yang sistema mo pare
Walang kinabukasan wala ring mangyayari
Sinagot ko siya na, "Wag kang makialam!
Wala kang karapatan, wala ka rin naman alam
Kaya huwag, malikot huwag iirap rap, kukurap–
Teka muna hindi ako marunong mag rap

Hello, hello, hello
Sino ba ito, sino ba ito, sino ba ako?
Hello, hello, hello
Sino ba ito, sino ba ito, sino ba ako?

Nakasakay sa Kotse, sa korteng bulate
Sabi mo rumaragasa ang kuryente
Nagmumukhang tanga nanaman sa Malate
Wag ka nalang maingay
Tulog na ang presidente
Pag humiyaw, Pag sumigaw, Pag sumayaw
Ang sarap pala mabuhay kaya wag umayaw
Ang sarap mawala, ang sarap pag wala
Ang sarap maligaw sa mundong tulala

Ba't nagkaganon, nag-iba na ba yung panahon?
Parang dinaanan ng pison
At kung ang isip naka-kahon
Mabuti pang tumalon sa malalim na balon
Ayon, ayon, ayon
Tatanga tanga at asal seryoso
Akala mo, ginahasa ng sampung demonyo
Ang kuwarto umuusok, akala mo impiyerno
Punta muna 'kong langit
Nakasabit ako sa lobo eh (Bye bye)

Hello, hello, hello
Sino ba ito, sino ba ito, sino ba ako?
Hello, hello, hello
Sino ba ito, sino ba ito, sino ba ako?

Ba't ba nagkaganon, Wowie
Nag-iba na ba ang panahon?

Hello, hello, hello
Sino ba ito, sino ba ito, sino ba ako?
Hello, hello, hello
Sino ba ito, sino ba ito, sino ba ako?

Hello

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret