Gloc-9 - Walang Pumapalakpak (feat. Gary Valenciano) lyrics

Aristotle Pollisco

[Gloc-9 - Walang Pumapalakpak feat. Gary Valenciano lyrics]

Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak
Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak

Madaming ulit kang madadapa
Bumangon ka agad
Mga mata mo na luhang-luha
Sa lungkot ay nasagad

Ilang beses man na mawala
Huwag kang mapagod maghanap
Walang tigil kang tumataya
Baka sakaling maganap

Ang iyong pinakahihintay
Kahit na ikaw lang ang nakakatanaw
At ang tanging alam mo lamang ay
Walang pipigil sa 'yong lakad at galaw

Basta't

Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak
Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak

Hindi nila kailan man mararamdaman
Kung gaano kabigat ang iyong pinapasan
Hindi sila kailan man mahahapdian
Bawat hiwa sa paa
Tibo na tinungtungan

Dahil ang katunggali mo lang sa laban
Ay walang iba kundi ikaw
At ang puwede mong maging kasalanan
Ay ang bumitaw at umayaw
Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw
Alang-alang sa pangarap mo

Naaalala ko pa dati kulang ang pamasahe
Wala ka pang hapunan, busog lang sa diskarte
Basta't alam ko lang ang aking magiging imahe
Ginuguhit sa papel sa kalagitnaan ng klase

Kahit 'di nananalo, 'di ko batid na talo
Inipon ang lahat ng binigay sa 'king balato
Kung saan-saan dumapo, buti na lang gala 'to
Wala ka daw mararating pag 'di mo tsinaga 'to

Kay daling sabihin, hindi madaling gawin
Kailangan mong mahanap pero bawal tumingin
Kilalanin ang sarili mo kahit na sa dilim
Dahil ang katotohanan ang mahirap lunukin

Itutulak ka nila, madalas pababa
Papahiran ng lahat ng puwedeng dungis sa mukha
Tapos huhugasan mo ito ng kanilang dura
'Pag kumita ka sila pa ang unang nakakura

Maniwala ka sa 'kin kahit na gusto mo nang sumuko
Lahat ng 'yong mga pinaghirapa'y gumuho
Huwag matulig sa ingay ng sigaw ng maluho
Pakinggan lamang ang binubulong ng 'yong puso

Uso daw kasi kaya 'di ka napili
Ayusin ang buhol ng mga luma mong pisi
Pag 'di mo nagawa iwasan mo ang manisi
Ipahinga mo lamang ang likod mo sa haligi

Dahil ang katunggali mo lang sa laban
Ay walang iba kundi ikaw
At ang puwede mong maging kasalanan
Ay ang bumitaw at umayaw
Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw
Alang-alang sa pangarap mo
Basta't

Awit ka nang awit
Awit ka nang awit (Awit nang awit)
Kahit walang pumapalakpak (Walang pumapalakpak)
Awit ka nang awit (Awit nang awit)
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak (Kahit walang pumapalakpak)
Awit ka nang awit (Awit nang awit nang awit)
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak (Kahit walang pumapalakpak)
Awit ka nang awit (Awit, awit ka nang awit)
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret