Quest, Elai - Bagong Yugto lyrics

[Quest, Elai - Bagong Yugto lyrics]

Humingang malalim
Simula na ng panibagong taon
Tumingala sa langit
Pasasalamat sa bagong pagkakataon
Damhin ang hangin, oh
Biyayang madalas 'di napapansin
Isang panalangin
Paghandaan ang bukas na paparating

Pagkakataong muli, pwede ba nating isantabi?
Takot at pighati, patapos na ang gabi
Sige, subukang ngumiti
Maging liwanag sa dilim
Ng kapayapaan at ligaya ang magniningning

Pag-asa ang dahilan, pag-ibig ang paraan
Walang maiiwan, lahat tayo magdiriwang
Pangarap ay balikan, pag-ibig lang ang daan
Kaya sama-samang salubungin ang bagong yugto
Simulan mo na ang bagong yugto
Ang bagong yugto
Simulan natin ang bagong yugto, ohh

Madaming yakap at kapit bisig
Tuwa at saya, laman ng tinig
Ibalik natin 'yung dating hilig
Dagdagan pa ng kilig salo-salo, walang talo
Lahat panalo, sigurado 'yan
Isang malambing na tingin
Tapos matamis na halik

Isang tagay, isang saludo
Tayo tayo hanggang sa dulo
Kapit, walang bibitaw
Lahat ay bida ako at ikaw
Ipakita ang kinang ng bukas na inaasam
Pakabusog muna tayo, buong mundo ang kasalo

Pag-asa ang dahilan, pag-ibig ang paraan
Walang maiiwan, lahat tayo magdiriwang
Pangarap ay balikan, pag-ibig lang ang daan
Kaya sama-samang salubungin ang bagong yugto
Simulan mo na ang bagong yugto
Ang bagong yugto
Simulan natin ang bagong yugto, ohh

Tuloy tuloy lang ang paghakbang
Dahil ang bukas ay nakaabang
Ang aral at lunas ay nakalaan
Sa bawat kahapon na lalampasan
Tuloy tuloy lang ang paghinga
Ito'y isang tanda na may pag-asa pa
Kaya magdiwang ka

Babalikan ang tunog ng nagsasabi
Bawat sigaw o bulong may mangyayari
Posible manalo ang gulo sa dalangin
Pag-ibig na ulit magmamay-ari
Kaya maririnig ang umaawit, napapangiti
Nagagalit kalakip ng pasakit ay tamis
Kasi kaisa puso maniwala
Ka posible magkalangit simulan mo na

Pag-asa ang dahilan, pag-ibig ang paraan
Walang maiiwan, lahat tayo magdiriwang
Pangarap ay balikan, pag-ibig lang ang daan
Kaya sama-samang salubungin ang bagong yugto
Simulan mo na ang bagong yugto
Ang bagong yugto
Simulan natin ang bagong yugto, ohh

Ito ang byaheng naudlot sa tuktok
Ito ang mensaheng walang dulo't tuldok
'Di mawawari bumangon, umabante
Ito ang panibagong yugto
Ito ang byaheng naudlot sa tuktok
Ito ang mensaheng walang dulo't tuldok
Kung 'di mawawari bumangon, umabante
Ito ang panibagong yugto

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret