Quest, Rita Daniela - Di Ko Akalain lyrics

[Quest, Rita Daniela - Di Ko Akalain lyrics]

Akalain mo nga naman, ako'y napagbigyan
Dasal napakinggan mukhang 'di na 'to biruan
Sawa na 'kong mapaglaruan
Langit,  tadhana nagtulungan

Pagkatapos ng delubyo, sagabal at bagyo
Nandito pa rin ako, nandito pa rin tayo

Pwede na bang magdiwang?
Ikaw na ba ang hinirang
Para sa'king habang buhay

'Di ko akalain pag-ibig ay panig sa atin
Narining pala aking dalangin
Tadhana'y umamin na ika'y sa'kin
At ako'y sa'yo

Ika'y sa'kin, at ika'y sa'kin, at
Ika'y sa'kin, at ako'y sa'yo, ohh

Swerte o tsamba o tinadhana
O talagang itinakda nang
Ika'y aking makasama?
Sige, patunugin na ang kampana
Oops, teka muna, kurutin mo nga ako
Tunay na ba ang pinapangarap ko?
Sumuntok sa buwan, nakiusap sa tala
Mukhang langit nagambala
Akala ko bahala na si Batman
Pero sapul pala parang suntok ni Pacman
Sumagot pasigaw, puso humihiyaw
Ipaalam sa mundo, ikaw lang at ikaw
Ako'y handa na, kahit mangha mangha pa
Wala nang bakit, siguro at baka
Habang buhay, ngayon ay patunay
'Wag mag-alala langit ang ating patnubay

'Di ko akalain pag-ibig ay panig sa atin
Narining pala aking dalangin
Tadhana'y umamin na ika'y sa'kin
At ako'y sa'yo

Ika'y sa'kin, at ika'y sa'kin, at
Ika'y sa'kin, at ako'y sa'yo, ohh

Sumugal, nadapa, nasaktan, nawala
Humingi ng himala, sa langit nakatingala
Pinilit kumawala, nand'yan ka lang pala
'Eto pala talaga, wala nang iba
Sumugal, nadapa, nasaktan, nawala
Humingi ng himala, sa langit nakatingala
Pinilit kumawala, nand'yan ka lang pala
'Eto pala talaga, wala nang iba

'Di ko akalain pag-ibig ay panig sa atin
Narining pala aking dalangin
Tadhana'y umamin na ika'y sa'kin
At ako'y sa'yo

Ika'y sa'kin, at ika'y sa'kin, at
Ika'y sa'kin, at ako'y sa'yo, ohh

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret