Quest - Huling Gabi lyrics

[Quest - Huling Gabi lyrics]

Kung ito na nga ang ating huling gabi
Mga natitirang sandali, 'di na ikukubli
Lahat lahat sa'yo'y ibibigay
Huling beses magsasabay
Sa himig na pag-ibig ang taglay
Bago mawalan ng saysay

Hawakan ang aking kamay
Higpitan ang kapit, pwede ka pang lumapit
Kalimutan natin, bukas na sasapit
Dito na lang ako, dito na lang tayo
Walang manggugulo na parang atin ang mundo

Sa sandaling tila habang buhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay itinakda, langit ang may akda
Ayokong kumawala sa'yo
Huling sayaw na natin 'to
Huling halik sa'yong noo
Huling pagdidikit ng puso

Kung ito na nga ang ating huling gabi
Bawat segundo'y nagmamadali
Mauulit pa bang muli?
Kaya lahat lahat ibibigay
Baka sakaling matangay
Ng haplos mong tila tumatamlay
Meron pa bang saysay?

Kung hahawakan ang aking kamay
Higpitan ang kapit, pwede ka pang lumapit
Kalimutan natin, bukas na sasapit
Dito na lang ako, dito na lang tayo
Walang manggugulo na parang atin ang mundo

Sa sandaling tila habang buhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay itinakda, langit ang may akda
Ayokong kumawala sa'yo
Huling sayaw na natin 'to
Huling halik sa'yong noo
Huling pagdidikit ng puso

Mga sandaling tila habang buhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay itinakda, langit ang may akda
Ayokong kumawala sa'yo
Huling halik ipadama ang pag-ibig na tunay
Huling saglit gawin natin habang buhay

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret