Quest - Lahat Tayo Kasama lyrics

[Quest - Lahat Tayo Kasama lyrics]

Wooah, wooah, oh oh oh
Wooah, wooah, oh oh oh
Wooah, wooah, oh oh oh wooah, wooah

Kasabay ng pagsikat ng araw
Ang pangarap natin balang araw
Pag-asang hindi na maaagaw, oras na, tara na
Tara na liwanag na 'di mapipigil
Pag-ibig na 'di na titigil
Anumang hamon, 'di na pasisiil
Laban na, ngayon na, ngayon na
'Di na magbubulag-bulagan
'di na matatakot lumaban
Ito ang tunay na kalayaan na
Maging karangalan ng bayan
Sabay-sabay tayong tumayo
'di na kailangan pang lumayo
Dito lahat tayo lalago, ikaw at ako

Sabay-sabay, walang humpay
Kasama ka sa tagumpay
Angat-angat tayong lahat, walang iwanan
Lahat sapat
Pambihirang bayanihan, kakaibang kapatiran
Pilipinas, Pilipino, sama-sama tayo!

Ahh, palayain ang isip
Buhayin ang ating panaginip
Pangarap na 'di na kailangang ipilit
Tagumpay na ang pambansang hilig
Ahh, kusang nagdadamayan, walang lamangan
Wala na ding nagbabangayan
Buong mundo magtataka, bakit ganyan?
Ito ang bayanihang 'di mapapantayan
Kapag may umaangat, lahat nagdiriwang
Lahat kasalo, walang maiiwan
Sa pag-angat, paglago, pagbanat ng buto
Sipag, tiyaga at tiwala na lubos
Sa'n man sa mundo mapadpad
Ang dugong Pinoy, laging namumukadkad, hey!
Wala nang ibang ganyan
Siguradong tatak Pinoy 'yan!

Sabay-sabay, walang humpay
Kasama ka sa tagumpay
Angat-angat tayong lahat, walang iwanan
Lahat sapat
Pambihirang bayanihan, kakaibang kapatiran
Pilipinas, Pilipino, magkakasama tayo!

Kasama ka, patungo sa tunay na tadhana
Pangarap, pag-ibig, pag-asa
Pilipinas, bansang malaya!
Kasama ka, patungo sa tunay na tadhana
Pangarap, pag-ibig, pag-asa
Pilipinas, bansang malaya!

Sabay-sabay, walang humpay
Kasama ka sa tagumpay
Angat-angat tayong lahat, walang iwanan
Lahat sapat
Pambihirang bayanihan, kakaibang kapatiran
Pilipinas, Pilipino, magkakasama tayo!

Sabay-sabay, walang humpay
Kasama ka sa tagumpay
Angat-angat tayong lahat, walang iwanan
Lahat sapat
Pambihirang bayanihan, kakaibang kapatiran
Pilipinas, Pilipino, magkakasama tayo!

Wooah, wooah, oh oh oh
Wooah, wooah, oh oh oh
Wooah, wooah, oh oh oh wooah, wooah

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret