Wilbert Ross - Andito Lang Ako lyrics

[Wilbert Ross - Andito Lang Ako lyrics]

Kay saya ng araw ko
'Pag kasama ka
Liwanag ang dala
Ng 'yong mga ngiti sa buhay ko

Natutuwa ang puso ko sa t'wing
Naririnig na mahal mo rin ako
Ang sayang mabuhay sa mundo

Sabay tayong maglakbay
Hawakan mo ang aking kamay
At papatunayan natin na may walang hanggan

Andito lang ako
Nakabantay sa 'yo
Pasensya na kung 'di ko magawa ang pinangako
Na sasamahan ka na maglakbay sa dulo
Andito lang ako
Nakamasid sa 'yo
Mahal tumahan na't isipin na ito ay plano
Ng Diyos sa akin magtiwala na lang tayo
Andito lang ako

Ang saya 'pag naaalala ko
Ang 'yong kulit
'Pag ako kasama mo
Para bang tayo lang ang tao sa mundo

Sabay ako sa 'yong paglalakbay
Kahit 'di mahawakan ang kamay
At papatunayan ko na may walang hanggan

Andito lang ako
Nakabantay sa 'yo
Pasensya na kung 'di ko magawa ang pinangako
Na sasamahan ka na maglakbay sa dulo
Andito lang ako
Nakamasid sa 'yo
Mahal tumahan na't isipin na ito ay plano
Ng Diyos sa akin magtiwala na lang tayo

Ilang taon na ang lumipas
Kailangang tanggapin na wala na ako
Ako ay sasaya 'pag may mag-aalaga sa 'yo

Siya ay alagaan mo
Pagka't wala na 'ko
Sa kanyang tabi ikaw na ang nandiyan at nangangako
Na sasamahan siya na maglakbay sa dulo

Andito lang ako
Nakamasid sa 'yo
Oh kay sayang makita kang naglalakad patungo
Ng altar kasama siya't sabay na mangangako
Kahit 'di na ako
Kahit 'di na ako
Kahit 'di na ako

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret