Wilbert Ross - Dramatic Actor lyrics

[Wilbert Ross - Dramatic Actor lyrics]

Ngumiti ka na lang sa harap nila
Ipakita mong ika'y masaya

May nararamdaman ka ba
Malungkot at naiiyak ka ba
Nakasimangot na papunta
Sa sulok ng kwarto mong madilim
Kasi wala namang nakikinig
Wala namang nagtatanong
Kung kumusta ka
Kasi akala nila ika'y nasa pelikula

Ngumiti ka na lang sa harap nila
Ipakita mong ika'y masaya
Sasabihan ka lang namang maarte ka
Iiiyak mo na lang mag-isa
Pasensya na kung madrama
Pasensya na kung madrama
Masyado ba 'kong madrama
Pasensya na kung madrama

Nagsasabi ka ba sa iba
Ng 'yong dinadala na problema
Kinukumpara ka pa
Magpasalamat ka na lang daw
Dahil maliit lang daw ang rason ng 'yong lungkot
At rason ng 'yong paglulugmok
At hinanakit
'Wag ka nang makulit na humingi ng malasakit

Ngumiti ka na lang sa harap nila
Ipakita mong ika'y masaya
Sasabihan ka lang namang maarte ka
Iiiyak mo na lang mag-isa
Pasensya na kung madrama
Pasensya na kung madrama
Masyado ba 'kong madrama
Pasensya na kung madrama

3,2,1 action
'Yan, 'yan, dapat maawa kami sa 'yo
Oo, dapat mapaniwala mo kaming totoo
Sige, sige patingin
Cut, cut, cut, cut
Kulang pa eh
Patingin ako ng ano
Patingin ako ng may luha
Sige, yan ha
May luha ha sige
3,2,1 action
'Yan, 'yan
'Yan, 'yan, 'yan
'Yan
Damihan mo pa yung luha
Damihan mo pa
'Yan
Mismo, mismo
Cut
Galing mo umarte
Alam mo 'kala namin talaga 'di ka okay eh

Ngumiti ka na lang sa harap nila
Ipakita mo na malakas ka
Mahirap na sa mundong mapanghusga
Aabusuhin ka lang kapag
Nakita ka na mahina

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret