Wilbert Ross - Benteng Ukit lyrics

[Wilbert Ross - Benteng Ukit lyrics]

Madilim ang paligid
Wala man lang sumisilip
Sino ang totoo
Ilawan mo naman aking mundo
Sumasaglit lang sa langit
'Wag ka munang magalit
Hilain mo na ako
Hawakan mong mahigpit, saklolo

Kunin mo na ang gamot
Gawing panghimagas sa balot
Ako'y uhaw na uhaw
Nasa'n na ba ang sabaw na panlinis

Nasa'n na ang patalim
Matalas ba tignan natin
Benteng ukit sa ilalim ng permanenteng guhit
Anong meron sa baba
Nakatingin, nakatulala
Gusto mo bang lumipad kasama ako

Madilim ang paligid
Sa dagat na sinisisid
Iahon mo na ako
O kailangan ko lang palang tumayo
Hindi na makahinga
Nilulunod ang sarili mag-isa
Ano bang meron diyan sa ilalim

Kunin mo na ang gamot
Gawing panghimagas sa balot
Ako'y uhaw na uhaw
Nasa'n na ba ang sabaw na panlinis

Nasa'n na ang patalim
Matalas ba tignan natin
Benteng ukit sa ilalim ng permanenteng guhit
Anong meron sa baba
Nakatingin, nakatulala
Gusto mo bang lumipad kasama ako

Gusto ko ring mawala sa mundo
Kahit saglit lang, mawala itong nararamdaman
Pero nandito pa ako ngayon kumakanta
Sinasabing naiintindihan kita

Nasa'n na ang salamin
Okay ka ba tignan natin
Benteng ukit sana'y 'di na ito maulit
Anong meron sa baba
May hagdanan bumaba ka kaya
Gusto mo bang maglakad pag-usapan ito

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret