Wilbert Ross - Nakangiti lyrics

[Wilbert Ross - Nakangiti lyrics]

Ikaw ang tanging rason
Sa maliwanag kong kalangitan
Walang kahit konting ambon
'Pag magkasama tayong dalawa
Sa 'yo lang nakatuon
Diretso lang ang tingin sa 'yong mata
Wala nang atrasan ngayon
Hayaan mong pagsilbihan kita
Hindi masukat ang aking saya
'Wag ka nang mawala

Araw gabing nakangiti dahil sa 'yo (dahil sa 'yo)
Pagkagising sa umaga ikaw agad ang naiisip ko
Sa tanghali, sa pagkain ikaw ang gustong kaharap
Pati pagtulog sa gabi hanggang sa panaginip

Tila imahinasyon
Lahat ng nangyari sa 'ting dalawa
Parang nasa telebisyon
Ako ang prinsipeng sasagip sa 'yo, sinta
Ikaw at ako laban sa buong mundo
Kahit sino pa kayo
Tadhana na ang mismong nagsalita
Na 'di ka na mawawala

Araw gabing nakangiti dahil sa 'yo (dahil sa 'yo)
Pagkagising sa umaga ikaw agad ang naiisip ko
Sa tanghali, sa pagkain ikaw ang gustong kaharap
Pati pagtulog sa gabi hanggang sa panaginip

Parang Adan at Eba
Parang Florante at Laura
Parang si Jack at si Rose 'pag sa pintuan nagkasya
Parang si Popoy at Basha
Parang si Shrek at si Fiona
Parang si Mario't Prinsesa na sasagipin ka

Araw gabing nakangiti dahil sa 'yo
Magmukha man akong baliw basta alam kong masaya ako

Araw gabing nakangiti dahil sa 'yo (dahil sa 'yo)
Pagkagising sa umaga ikaw agad ang naiisip ko
Sa tanghali, sa pagkain ikaw ang gustong kaharap
Pati pagtulog sa gabi hanggang sa panaginip

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret