Wilbert Ross - Byahe Ng Buhay lyrics

[Wilbert Ross - Byahe Ng Buhay lyrics]

Lumapit ka mahal
'Wag isiping ikaw ay iiwanan
Kahit ano pa ang gawin ng mundo sa 'yo
Andito lang ako
Lumubog man ang barko, andito lang ako
Kung magunaw ang mundo ay tatabi sa 'yo
Hahawakan ang 'yong mga kamay
Hayaan mong ako ang 'yong maging gabay

Sa pag-ikot ng gulong
Naghahanap ka ba ng taong sasabay
Sa byahe ng buhay
Kung ganu'n ay 'wag nang mangamba
Hindi ka na mag-iisa aking mahal
Ako na ang bahala, matulog sumandal

Kumapit ka mahal
Maglalakbay sa malubak na daanan
Masira man ang makina at tayo'y mahinto
Andito lang ako

'Wag mataranta't matakot, andito lang ako
Susubukang ayusin 'to para lang sa 'yo
At kung sakaling hindi makasakay
Maglalakad tayong dal'wang magkasabay

Sa bawat tapak ng paa
Mabagal man basta't alam mong
Sumasabay ka sa byahe ng buhay
Mapagod man ika'y magpahinga
Sa pagpasan ako'y handa aking mahal
Ako na ang bahala, matulog sumandal
Matulog sumandal
Matulog sumandal
Ako na ang bahala

Sa pag-ikot ng mundo
Sasamahan ka patungo
Sa walang hanggan

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret